Magandang araw sa'yo. Meron akong nabasang kwento na gusto kong i-share sa'yo at siguradong kapupulutan ng aral.
Ang kwentong to ay tungkol sa isang great magician and illusionist. Ang pangalan niya ay siHarry Houdini. Narinig mo na ba ang pangalan niya?
Si Houdini ay isang master magician at isang fabulous locksmith. Siya na siguro ang pinaka tanyag na escape artist sa buong mundo.
May nabasa ako na very interesting na pangyayari sa buhay niya. Hindi lang ako sigurado kung eto ay part ng kanyang ma-alamat na kwento or part eto ng history niya pero siguradong eto ay very fascinating and interesting.
Napaka-confident ni Haudini sa kanyang talent. Sinabi niya na kaya niyang makatakas sa kahit na anong prison cell sa buong mundo na hindi lalagpas ng isang oras basta't suot niya lang kanyang street clothes.
Tinatanggap niya bawat challenge na ibigay sa kanya at gaya ng sabi niya nagagawa niyang makatakas. Mag-isa lang siya sa loob ng selda at sa loob lamang ng ilang minuto nagawa niyang tumakas na parang isang himala.
Isang araw, sa isang maliit na bayan ng British Isle may bagong intinayo na jail cell at proud sila dito.
"Halika ,subukan mong tumakas dito," sabi nila kay Haudini at pumayag naman siya.
Pumasok siya sa loob ng preson cell na very confident dahil nagawa na niyang makatakas ng mahigit sa isandaang beses dati.
Sa sinturon ni Houdini ay may itinago siyang special lock pick na siya mismo ang dumesinyo.
Nang ma isara na ang pinto, tinanggal niya ang balabal niya at nag umpisa agad siya mag trabaho para makatakas. Subalit may na duskubre siya na hindi pangkaraniwan sa lock ng jail.
Walang nangyari sa loob ng kalahating oras andun pa din siya sa loob ng selda. Unti unti nang nawala yung confidence niya.
Naka lipas na ang isang oras di pa din niya matanggal ang lock. Sa pagkakataong ito naliligo na siya sa kanyang pawis at nawawaln na siya ng pag-asa dahil di pa din niya matanggal ang lock.
Sinubukan na niya lahat ng tricks na alam niya at kaya niyang gawin ngunit bigo pa rin siya.
Pag lipas ng dalawang oras napagod na siya, nawalan na siya ng lakas at pag-asa na matakas at literal siyang nag-collapse sa pinto ng jail cell. Pagka bagsak niya sa pinto, sapat na yung bigat niya para maitulak at bumukas ito.
Sa oras lang na yun niya diskubre na hindi pala talaga naka-locked ang pinto sa simula pa lang.
Sa isipan niya lang pala naka-locked ang pinto.
Ano ang moral lesson sa kwento?
Kung matagal ka na sa loob ng selda ng kahirapan, ng bad habits, o ng kung anuman na kumukulong sa'yo ng matagal ng panahon, ang good news kaibigan bukas ang pinto at hindi ka naka-locked, lumabas ka na para lumaya ka na.
Ang lock ay nasa isipan lang wala sa pinto.
Dahil kapag inisip mo na naka-locked ka, naka-locked ka na talaga.
In reality, there is no lock.
Sa isip mo may lock pero wala talaga.
Niloko ka lang ng isipan mo.
Dinaya ka.
Don't locked your mind kaibigan.
Walk towards your freedom now!
Ang sabi sa scripture, "you have been called to live in freedom" (galatians 5:13).
Sana may aral kang natutunan sa post na'to.
Have a Wonderful day. Don't lock your mind and Be Unstoppable! :)
To your freedom,

Renne M. Genita
Facebook:https://www.facebook.com/renz08081987
Email:rennegenita87@gmail.com
Work With Me - SWA Ultimate
My Blog:.http://rennegenita.blogspot.com/
>>My FacebooK Page<<CLICK<<
No comments:
Post a Comment